ANG TUBIG AY MAHALAGA
HUWAG PO TAYONG MAG-AKSAYAIsang paalala mula sa inyong: Bulacan Water District Bulakan, Bulacan Nos.: 792-0191 / 668-1499Mahalagang Paalala kung may Bagyo, Baha at iba pang KalamidadSa aming mga minamahal na tagatangkilik: Nais po naming ipabatid na ang Bulacan Water District na itinatag alinsunod sa batas ( PD 198) ang tanging tanggapan na namamahala sa paglilingkod pantubig sa buong bayan ng Bulakan, Bulacan. Dahil dito ang lahat ng katanungan o suliranin tungkol sa serbisyo ng tubig ay kailangang ipaabot sa aming tanggapan upang daglian na matugunan o malapatan ng kaukulang paglilingkod. Mga pangunahing katanungan ng mga tagatangkilik kung may bagyo, baha at iba pang kalamidad: 1. Bakit kapag nawalan ng kuryente ay nawawalan din ng suplay ng tubig at bakit matagal pang nagkakaroon ng tubig kahit may kuryente na? • Ang mga “pumping station” o bomba na nagpapadaloy ng tubig sa aming mga linya o tubo ay pinaaandar ng kuryente at sa sandaling mawala ang serbisyo ng kuryente mula sa Meralco ay titigil din ang mga ito sa pagpapadaloy ng tubig. 2. Ligtas ba na inumin ang tubig kung baha at nakalubog ang mga tubo ng tubig? • Kung may baha at nakalubog ang mga tubo ng tubig ay maaari itong mapasukan ng tubig baha sa sandaling may mabutas o magkatagas sa mga ito. Sa ganitong pagkakataon makabubuting pakuluan muna ang tubig ng di kukulangin sa limang (5) minuto bago inumin. Refer to this 10-Water-Conservation-Tips |
CONSUMERS LINKS
GOVERNMENT LINKS |
Philippine Standard Time: